Aug 3, 2016

May hinaing o dinadamdam? Isumbong mo yan!

Cover photo of Isumbong Kay Administrator Amaro FB page


Sinimulan na ng bagong administrasyon ng MARINA na pinamumunan ni C/E Amaro ang kanilang ipinangakong "tunay na pagbabago" noong bago sila maupo sa pwesto. Isa na nga rito ang pagiging bukas sa mga sumbong ng mga marino ukol sa mga iregularidad at katiwalian sa industriya maritima.

Dahil sa kagustuhan ng bagong administrasyon na mas mapalapit sa mga tao at matugunan ang kanilang mga hinaing, nag-lunsad ang MARINA ng isang facebook page kung saan ay malayang maipaparating ng sinuman ang kanilang mga reklamo.


Ang "Isumbong kay Administrator Amaro" page ay ang opisyal na facebook page ng opisina ng ating administrator Amaro. Asahan na ang mabilis na tugon at aksyon sa anumang hinaing na ipapadala rito.

Isang halimbawa ng napakabilis nilang aksyon ay ang pagbabawal sa pagpaparenta ng uniform at documentary stamp na matagal ng inirereklamo ng mga marino. 

Kayat' kung may napuna kang mali at gusto mong maaksyunan agad, pumunta lamang sa Facebook page ng "Isumbong Kay Administrator Amaro" at mag-message o di kaya naman ay tumawag sa 09199112790 na number ng kanyang opisina.


Loading...

No comments:

Post a Comment