Thumbnail |
Ano ang Seafarers Protection Act? Ang Seafarers Protection Act ay isang batas na naipasa noong Nobyembre 26 2015 na naglalayong protektahan ang kapakanan ng bawat Marinong Pilipino na nagtratrabaho overseas sa sitwasyong maaksidente, magkasakit o mamatay sila.
Hindi ito isang batas na magbibigay ng monetary claims sa mga marino sakaling may mangyari sa kanilang masama bagkus ito ay nagproprotekta sa kanilang benepisyong makukuha.
May mga abogado/ahente o ano pa man na tutulungan ka o ang iyong pamilya na makuha ang iyong mga benepisyo (insurance, disability, illness, death) at magbabayad ka lamang pagkakuha nito. Nakaka enganyo hindi ba? “Serbisyo ngayon, mamaya na ang bayad”
Ang masama dito ay tatapyasan nila ng ubod ng laki ang iyong makukuhang benepisyo na minsan ay higit pa sa 50% at kakarampot na lamang ang matitira para sa marino. Ipinasa ang Seafarers Protection Act para matigil ang modus na ito.
Ipinagbabawal ng Seafarers Protection Act ang pagkakaltas ng higit pa sa 10% ng mga representanteng(abogado, ahente, middleman) tutulong sa isang marino na makuha ang kanyang benepisyo.
Ang mga lalabag sa nasabing alituntunin ay magmumulta ng P50,000 – P100,000 o maaring makulong ng isa hanggang dalawang taon.
Maaring mabasa ang buong batas sa link na ito
Reference: Republic Act No. 10706
No comments:
Post a Comment