Aug 1, 2016

Sampung utos ni Duterte sa bawat Marino

President Rodrigo Duterte holding a shotgun

Sa limang tumakbo sa pagka-pangulo, si Rodrigo Duterte ang pinili ng mga tao. Kasabay ng pagkapanalo niya ay kasama nito ang kanyang sampung utos na kailangan sundin ng bawat Marinong Pilipino



1. Drinking in public places is not allowed


Kung nais mo raw uminom, dalhin mo ito sa iyong bahay, wag sa kalye, o kaya pumunta ka sa Bar. Kung wala kang bahay ay mangyaring wag kana lamang uminom.


2. Wag tangkilikin ang mga FIXERS


Ang bawat sangay ng gobyerno ay ginagawa na ang mga pagbabago upang mas mapadali at mapaayos ang serbisyo, tayo ay pumili at maglaan ng oras sa pag kuha ng ating mga dokumento.



3. Curfew pagpatak ng alas diyes


Lahat ng menor de edad ay dapat nasa bahay na pag patak ng alas diyes kung hindi ay huhulihin ang kanilang mga magulang.



4.Speed Limit (60 kph) sa pagmamaneho.


Ito ay ipapatupad sa national highways kasama na ang EDSA sa "tamang panahon".

PS: Sa Davao City ay epektibo na ito



5. Tigilan na ang droga (Iwanan na ang Bisyo)


Laman naman ng balita ang samut saring patayan at pag sugpo sa droga. Kayat hindi pa huli ang lahat, kung isa ka sakanila, sumuko kana.



6. Maayos na serbisyo at pakikitungo ng mga government employees.

Sinabihan sila ni pangulong Duterte na ayusin ang pakikitungo sa taong bayan at palaging ngumiti. Bukod pa dito, mahipigpit na ipinagbabawal ng pangulo ang KURAPSYON.



7. Isumbong ang mga tiwaling opisyal


Hinihikanat ng Pangulo na isumbong ang pinakamaliit na kurapsyon sa kahit ano mang sangay ng gobyerno.


Maari itong gawin sa pamamagitan ng pagtawag sa 8888.



8. Three days processing para sa mga dokumento.

Noong inagural speech pa lamang niya ay sinabi na niya ito sa harap ng mga kalihim ng gobyerno. Binalaan pa sila ng Pangulo na ang hindi susunod ay tatangalin niya.



9. No to HEAVY FIREARMS


Walang papayagang magkaroon ng heavy firearms bukod sa AFP, PNP at mga law enforcers. Ang mga mayroon na naman nito bago pa ang utos ay ayos lamang.



10. All videoke must stop after 10 pm.


Kahit na mahilig kumanta si Duterte, ayaw niya ng maingay sa gabi.


Yan ang sampung utos ni Pangulong Duterte, utos ng pangulong binoto ng mas nakararami. Ito'y ating sundin para sa ating ikabubuti ng bansa at hindi na makadagdag sa mga problema ng lipunan.

Loading...

2 comments:

  1. Ang daming corrupt sa gobyerno. Pag mahirap ka di nila nakita yong katotohanan, pag Rich, MultiMillion Company lagi may katuwiran pag mahirap wala talo ka lagi kahit nasaayo yong lahat na ibedensya

    ReplyDelete
  2. President Duterte nag tawag ako sa 8888, ilang beses at nag email pa nga eh, pati sa official email add po ninyo Mr. PRESIDENT , kaso wala eh parang di yata naka abot sa iyo yong message or baka sa dami ng reklamo baka di pa naaprobahan

    ReplyDelete