C/E Amaro, the new MARINA Administrator Courtesy: SeamanOnlinePH |
Kasabay ng pagpalit ng lider ng bansa ay ang pagpasok din ng pinakabagong itinalagang administrador
o pinakamataas na pwestosa Maritime
Industry Authority (MARINA) na si C/E Al Amaro.
Si Amaro ay graduate ng Philippine Merchant Maritime Academy
(PMMA) class of 1982. Sa isang post ng kasamahan at presidente ni Amaro sa
alumni association ng PMMA na si C/E Guilbert Llamado, inihayag nito ang
kagalakan sa pagkakaluklok ng kasamahan sa isa sa pinakaimportanteng posisyon
sa MARINA at tinagurian nitong "partner for change" si Amaro.
Maraming maritime groups na din ang nagpadala ng kanilang mga hinaing
sa bagong administrador na kung saan ay umaasa silang madinig at maging daan
ito upang mapansin ng Pang. Duterte ang kakulangan ng atensyon sa sistema ng MARINA.
Sinasabing magiging malaking hamon ang pamumuno sa MARINA ni
Amaro dahil sa napakaraming komplikasyon na iniwan ng adiministrasyon ni Maximo
Mejia na kung saan ay kabi-kabilang rally at reklamo ang sinupalpal sa nakaraang
lider.
Si Amaro ang magiging boses ng mga marino sa administrasyong
Duterte sa loob ng anim na taon. Maitatayo niya kaya ang bandera ng Philippine
maritime industry sa harap ng mga foreign investors na magbibigay ng magandang
impresyon at dadagsain kaya tayo ng napakaraming oportunidad dahil sa pamumuno
niya? O isa rin siya sa magiging dahilan ng pagdildil ng asin ng pamilya at tuluyang
paglubog ng industriya?
Congratulation Sir
ReplyDelete