Source: UFS and MARINA Edited by Shipping Wiki |
"KASALANAN NINYO ANG LAHAT... Walang kasalanan ang MARINA ayon sa pananaw ni DON MAXIMO Mejia Jr." A sarcastic title given by Engr. Nelson Ramirez for his sarcastic statements on the issues the Philippine Maritime Industry is facing at the moment. See it below.
1. Palagi kayong nagreklamo sa mahabang pila. Bakit, inutusan ba kayo ng MARINA na pumila? Walang sinabi ang MARINA na humiga kayo sa semento. Mabubuting tao ang mga taga MARINA. Dapat intindihin ninyo kami.
2. Palagi kayong nagrereklamo sa pagbabayad ninyo ng libagin na uniporme.. Di huwag kayong magpakuha ng retrato? Huwag ninyong sisihin ang kooperatiba ng MARINA. Mabubuting tao sila. Naghahanapbuhay naman sila ng marangal. Kayo yang maraming angal.
3. Nagrereklamo kayo noon sa delay ng SIRB na naging SIR SHIT. Bakit, hindi ba alam na ninyo na ang kinuha naming printer ay yong hindi kayang mag-deliver sa takdang panahon? Bakit ang MARINA ang sisihin ninyo, sisihin ninyo yong printer na pinanalo namin sa bidding. Sila ang may kasalanan kung bakit nagkaletse-letse ang inyong SIRB.
4. Mga ungas kayo. Nagrereklamo kayo na hindi kayo makakapasa sa licensure examination. Bakit hindi na lang kayo bumili ng ANTING-ANTING na ATLAS noon na naglipana sa halos lahat ng lugar sa bansa. Angal kayo ng angal. Hindi naman kasalanan yan ng MARINA.
5. Angal kayo ng angal sa delay noon ng practical examination na PITONG BUWAN. Nagrereklamo kaagad kayo na wala ng makain ang pamilya ninyo. Marami kayong tsetse-buretse. Kasalanan ba ng MARINA kung gusto ninyong maging opisyal? Bakit, inutusan ba namin kayo na maging opisyal kayo? Di, huwag kayong kumuha ng practical examination. Sasakit ba ang ulo namin dyan?
6. Nagrereklamo kayo, na kayo ang pinarusahan sa mga nawawalang 1,000 COP certificates sa MARINA. Kasalanan ba namin yan? Bakit kayo nakipag-ugnayan sa mga fixers sa T.M. Kalaw. Bakit hindi na lang kayo dumiretso sa MARINA at kausapin na lang ninyo si Art Minion. Makakamura o baka mapapamura pa kayo.
Kung gusto ninyong habulin at ipakulong ang nagnakaw ng certificates, di habulin ninyo, kasuhan ninyo. Marami kaming ginagawang importanteng bagay para sa kabutihan ninyo. Wala kaming panahon sa mga reklamo na maliliit kagaya niyan.
7. Nagrereklamo kayo na mali-mali ang spelling ng bagong SIRB at marami ding mali na spelling sa aming mga memorandum circulars. Bakit, kasalanan ba ng MARINA yan? Ang maling spelling sa SIRB ay kasalanan ng printer. alam na nila na mali ang spelling, tinuloy pa nila ang printing. Lumabas tuloy ang isang SIRB na kengkoy. Yon namang taga dyaryo na nagpalabas sa aming mga memorandum circulars dapat magagaling ang kanilang mga proof readers. Huwag nilang sisihin ang MARINA kasi tao lang kami.
8. Naghihinagpis kayo na nakasama ang mga kamag-anak ninyo sa lumubog na KIM NIRVANA. Bakit MARINA ang sisihin ninyo? Bakit hindi ninyo sisihin ang may-ari ng banka kung bakit siya gumawa ng double decker na outrigger at bakit hindi niyo sisihin ang mga stevedore kung bakit hindi nila inayos ang pagsalalansan ng kargamento at pasahero.
Alam ba ninyo na ang bangkang yon ay kayang magkarga ng 178 ka kalabaw o 300 ka pasahero kung maayos lang ang pagkasalansan? Hindi ba kayo nakakita ng 178 ka kalabaw na sinalansan? Hindi ba kayo nakakita ng 300 ka pasahero na sinalansan? Kayo na ang maging ako. Professor ako sa World Maritime University at yan ang tinuturo ko. MISLOADING ang dahilan kaya lumubog ang M/B Kim Nirvana. MISLOADING.. naintindihan ba ninyo kung ano ang MISLOADING?
8.1 Angal kayo ng angal tungkol sa MLC at OLC. Bakit, ako ba ang gustong maging opisyal ng barko? Kayo naman ang gustong maging opisyal. Ang gawin ninyo, huwag na kayong magbarko kung magreklamo man lang kayo. Magtanim na lang kayo ng kamote. hehehehe.
9. Nagrereklamo kayo na kung hindi ninyo nagagamit ang lisensiya ninyo ay kailangan ninyong magRETAKE ng licensure examination? Ehh, ano ngayon kung Pilipinas lang ang mayroong ganyang patakaran. Yan ang gusto ko. Problema ba yan? Makakaangal ba kayo? Kung ano ang gusto ko at ng mga alipores ko, yan ang masusunod. PERIOD.
10. Marami pa akong bala para sisihin kayo. Mga walanghiya kayo. Matagal na akong galit sa inyo sapagkat wala naman akong kasalanan at WALA namang kasalanan ang MARINA. Kayo ang mga reklamador. Pumila lang kayo ng magdamag, reklamo na kaagad. Binigyan lang kayo ng SIR SHIT, pinalalaki na ninyo ang isyu. Dapat pa nga magpasalamat kayo sa aking dahil tayo lang sa buong mundo ang mayroong SIR SHIT.
Mga bobo lang kayo. Hindi kayo nakakaintindi. Professor ako sa World Maritime University.
Engr. Nelson Ramirez also invites all Filipino seafarers to join the rally in front of MARINA to fight for upcoming changes before 2017.
dapat kasi hindi dinadaan sa painitan ng ulo. kung gustu nating magkaisa pwede naman e. hindi yung nag titirahan kayo sa isatisa. pwede nyu namang ayusin yan. total tao lang din tayo. nagkakamali rin.
ReplyDeleteanong nagkakamali din, palpak yun. wala talagang ginawang para ayusin ang serbisyo.. tama ang lahat ng sinsabi ni engr ramirez.
ReplyDeleteSaan na po ang ANGKLA PARTY LIST?
ReplyDelete