Sep 9, 2015

Paano Makakakuha/Makakapagrenew ng COC ang Isang PRC OIC Passer na Valid Lagpas ng Dec. 2016?

Paano Makakakuha/Makakapagrenew ng COC ang Isang PRC OIC Passer Na Valid Lagpas ng Dec. 2016?
Paano Makakakuha/Makakapagrenew ng COCang
 Isang PRC OIC Passer Na Valid Lagpas ng Dec. 2016?

Ikaw ba ay isang PRC OIC passer na may COC na at may validity hanggang Dec. 2016 ngunit hindi pa nakakaakto? Ikaw ba ay isang PRC OIC passer na wala pang COC at wala pang akto? Kung oo ang sagot mo sa dalawang iyan ay nagpunta ka sa tamang lugar para maliwanagan.

Marahil nagtataka ka kung paano makakakuha/makakapagrenew ng COC sa panahon ngayon na maraming pagbabago dulot ng STCW 2010 Manila Amendmments. Kaya ko ginawa ang artikulong ito upang masagot ang mga katanungan mo.



Kung ikaw ay isang PRC OIC passer na may COC na at may validity hanggang Dec. 2016 ngunit wala pang akto o ikaw ay isang OIC PRC passer na wala pang akto at COC, eto ang mga pagpipilian mo upang makarenew ng OIC-COC lampas ng Jan 2017.
  • Umakto ng OIC sa loob ng tatlong buwan sa nakalipas na anim na buwan
  • Kumuha ng OIC Updating Course Part A
  • I comply ang iba pang requirements kagaya ng Training Certificates, COP at ATBP.


    OR
  • Mag retake at ipasa ang Theoretical Exam at Practical Assessment sa MARINA
  • Kumuha ng OIC updating Course Part A
  • I comply ang iba pang requirements kagaya ng Training Certificates, COP at ATBP.

Basahin din ang kwento ng isang marinong PRC OIC passer na sinubukang mag renew ng kanyang COC sa MARINA.

Kung ikaw ay hindi sang ayon sa pag retake ng Licensure Exam katulad ng karamihan ng mga MARINO, sumama ka sa rally sa MARINA sa Oct. 14 upang mapigilan ito.


Loading...

11 comments:

  1. ang balita ko pag 2014 and up issued yung coc/coe (prc) ang kailangan mo lng kunin ay oic updating course para ma re-validate hangang 5yrs, hindi mo na kailangan mag akto ng 3months or mag theory at practi exam..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sir, makakapagbigay po ba kayo ng ebidensiya diyan sa balita niyo? Kung totoo po ang sinasabi niyo ay good news po iyan kahit papaano.

      Delete
  2. sir ung COC/COP ko po 2019 pa expiration galing PRC kasabay ng PRC ID ko po may kailangan pa ba baguhin sa akin?

    ReplyDelete
  3. sir john michael honrada maganda nyan sir punta ka sa marina 4th flor kausapin nyo c atty dacanay about jan, sept 10 2015 at don po ako galing kanina updating course sa oic sa mga PRC na valid 2016 at pra ma dagdagan ung kulang na taon pra maging valid na 5yrs ung coc na binigay ng PRC. hindi po ma 5yrs ulit kundi dagdagan lang pra maging 5yrs ung COC

    ReplyDelete
  4. pano po ang pag renew ang isang prc passer na expired coc at wala pang akto..salamat

    ReplyDelete
  5. Gud day po sir, may PRC OIC_NW license ako with complete COC. Mag expire ung COC ko galing PRC next APRIL 2016. Pwede ko po ba marenew COC para maging valid sya kahit sa DECEMBER 2016.

    ReplyDelete
  6. Good day, may PRC OIC_NW license po ako with COC na mag expire next April 2016. Pwede ko po ba ma renew para ang validity ng COC ko ay maging December 2016

    ReplyDelete
  7. Good day sirs, ako po ay isang OIC-EW passer sa PRC na wala pang COC/COE at hindi pa nakakaakto. Pwede pa rin po ba akong kumuha ng COC/COE sa Marina na may validity ng 5yrs beyong dec 2016 kahit pa hindi pa ko nakakaakto as OIC dun sa last vessel ko as long as makumpleto ko yung mga required trainings and COP's na kailangan?

    ReplyDelete
  8. Good day sirs, ako po ay isang OIC-EW passer sa PRC na wala pang COC/COE at hindi pa nakakaakto. Pwede pa rin po ba akong kumuha ng COC/COE sa Marina na may validity ng 5yrs beyong dec 2016 kahit pa hindi pa ko nakakaakto as OIC dun sa last vessel ko as long as makumpleto ko yung mga required trainings and COP's na kailangan?

    ReplyDelete
  9. Gud day po, ask lang po, onboard po marino ko ngayon, paano po ba e.revalidate COC nya, pwede po ba aang agency na ngprocess nun? D pa cya nkakuha ng OLC,. Pwede ba sa pagbaba na lbg niya e.renew by sept 2016 po? Please reply po tanx,,..,

    ReplyDelete
  10. good day sir,ako po ay isang prc passer OIC-EW pero sa marina na po ako nag process ng COP ko for officer,hanggang dec 31,2016 lng mag e expired na naman at hindi ko pa na akto yong licensya ko.ma renew ko po ba licensya ko kahit hindi ko pa na aktohan yong licensya ko?

    ReplyDelete