"CHANGE HAS COME". Ayon sa Philstar, papayagan ng makapasok at magsakay ng pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mga regular taxicabs na dati'y hinaharang ng mga guard.
Magandang balita ito para sa mga marino dahil karamihan sa kanila ay pasahero rin sa NAIA. Inaasahang mawawala na ang monopolyo ng pamasahe ng mga airport taxi at magiging regular na ang presyo nito.
Papayagan ang mga regular taxi sa apat na terminal ng NAIA at eto ang kanilang mga pick up points:
- NAIA TERMINAL 1 - secondary roadway of main arrival area
- NAIA TERMINAL 2 - secondary roadway, from bay 22
- NAIA TERMINAL 3 - third roadway of arrival area, from Bay 6 and
- NAIA TERMINAL 4 - exit point
Sinabi ni MIAA General Manager Ed Monreal na bibigyan ng "dispatch slip" ang mga biyahero para sa kanilang seguridad. Nakalagay sa dispatch slip ang mga importanteng detalye kagaya ng pangalan ng driver, license plate number, pangalan ng operator at importanteng hotline numbers. Ang kopya ng dispatch slip ay maiiwan sa airport
Sinigurado rin ni Monreal na lahat ng reklamo ng mga biyahero ay mareresolba sa loob ng 72 oras at mababan naman sa airport ang mga taxi na hindi susunod sa alintuntunin.
No comments:
Post a Comment