Jul 14, 2016

"Kailangan ng Seaman na mamumuno sa Maritime Industry" - MARINA admin C/E AMARO

C/E Marcial Amaro, the new MARINA Administrator

"Kailangan ng Seaman na mamumuno sa Maritime Industry - nandito na, nandito na ang pagbabago" C/E AMARO says last Phillipine Asia of Maritime Training Centers, Inc. (PAMTCI) Dialogue with the new MARINA Administrator. 


Kaakibat ng pagbabago ng administrasyon sa ating pamahalaan ay siyang pagpapalit rin ng liderato sa MARINA. Pinangalanan nga nuong huling linggo ng Hunyo na ang bagong uupo bilang Administrator ay isang totoong Marino at kabaro ng lahat, siya si C/E Marcial Quirico C. Amaro PhD.. 



Noong nakaraang Hulyo 12 2016 ay nagkaroon ng 'PAMTCI Dialogue kasama ang bagong MARINA Administrator'. Dito inihain niya ang kanyang mga plataporma na kung susumahin ay naglalayon ng tunay na pagbabago. Sa kanyang salita sinabi niya na " Dapat ang pagbabago ay NARARAMDAMAN, NAKIKITA at NARIRINIG".


Sapagkat sa kanyang pag upo sa pwesto ay hinaharap niya ngayon ang samut saring reklamo ng mga marino ukol sa napakaraming trainings, sertipikasyon ng dokumento, mahabang pila at ang matagal na proseso ng mga papeles. Pinangako niyang magiging bukas ang kanyang tangapan sa lahat ng reklamo at suhestyon. Hinikayat niya na dumulog lamang sa kanilang tanggapan ang sino mang nagnanais ng suhestyon o rekomendasyon at upang siya ay magbigay ng nararapat na aksyon. 




Naging malaking katanungan rin at ulo ng batikos ang pagkakaroon ng administrator na hindi Marino at ika nga nila ay hindi alam ang totoong nangyayari sa mga Marinong Pilipino. Kaya't sinabi ng bagong administrator na "Kailangan ng SEAMAN na mamumuno sa MARITIME INDUSTRY, ngayon Nandito na, Nandito na ang Pagbabago". 


Mataas ang expectation ng mga Marino sa bagong liderato ng Marina, at sinabayan rin ito ng pangako ng bagong Lider na nagsasabing kasabay ng bagong administrasyon ay ang tunay na pagbabago ng sistema sa Marina, kung saan ang pagbabagong ito ay mararamdaman, makikita at maririnig ng bawat Marinong Pilipino na ngayoy nawawalan na ng pag-asa sa bulok na sistema. 

Ating bantayan ang mga pangakong pagbabago at maging mapagmatyag sa mga mangyayari at hakbang ng MARINA.

Loading...

No comments:

Post a Comment